¡Sorpréndeme!

OH NO! Flappy Bird game, tatanggalin na mula sa Internet!

2015-04-14 3 Dailymotion

OH NO! Flappy Bird game, tatanggalin na mula sa Internet!


Nalungkot ang mga mobile phone gamers sa buong mundo, nang lumabas ang balita na ang Flappy Bird, isang napaka-simple pero napaka-hirap na game, ay mawawala na. FOREVER.

Ayon sa creator ng game na si Dong Nguyen (Nwin), kinailangan niyang patayin ang game, dahil ang kasikatan nito ay sinisira ang kanyang simpleng buhay.

Ang Flappy Bird ay lumabas noong Mayo, pero sumikat noong Disyembre. Na-download ito nang limampung milyong beses, at kumita ng 50,000 USD sa mga ads, sa loob ng isang araw.

So ano ang problema?

May mga report na nagsasabing napansin ng Nintendo na ang mga pipes sa game ay kahawig ng nasa Super Mario.

Naakusahan rin si Nguyen ng paggamit ng bots, para madaya ang download at visibility ng game.

May mga nagsabi rin na hindi mai-handle ni Dong ang pamimintas ng mga naglalaro ng game, dahil sila ay masyadong nahirapan.

Ayon naman sa Pro Web geek na si Robert Scoble, si Dong ay isang genius! Ang kanyang ginagawa ay isang magandang marketing ploy kung saan makakagawa siya ng interes sa mga darating na games.

Ano sa tingin niyo? Tinanggal ba ni Dong ang Flappy Bird para sa atensiyon, o para hindi na siya guluhin ng mga tao?



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH